Ngayong Agosto, samahan kami sa isang buwang puno ng makabuluhan at kapanapanabik na mga aktibidad sa Intramuros!
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Buwan ng Kasaysayan, ihahandog ng Walled City ang iba’t ibang programa, pagtatanghal, at mga karanasang magpapalalim sa ating pagpapahalaga sa kulturang Pilipino at mayamang kasaysayan.
Isama ang inyong pamilya at mga kaibigan, at sama-sama nating ipagdiwang ang wikang Filipino, pamana, at kasaysayan sa puso ng Walled City.
Kita-kita tayo sa Intramuros!